luneta
::HINDI KO NAMAN KAYO IIWANAN::
ito na ang huling marka ng paglalakbay ko
dito sa luneta.
pero--hindi ko naman kayo iiwanan.:)
patuloy pa rin ang pag-inog ng aking mundo sa
www.toiluna.blogdrive.com
hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang isang akdang naisulat
ni Kimpot sa http://ilovethetalking.blogspot.com/
hindi ko personal na kilala si Kimpot,
pero matapos kong mabasa ang sinulat niya,
pakiwari ko'y matagal na kaming magkaibigan.
nakakataba ng puso at nagbigay ng ngiti sa aking mukha
ang naisulat niyang ito.
YOU
Uninvited, the thought of you stayed too late in my head.
so I went to bed, dreaming you hard, hard, woke with your name,
like tears, soft, salt, on my lips, the sound of its bright syllables
like a charm, like a spell.
Falling in love
is glamorous hell: the crouched, parched heart
like a tiger, ready to kill; a flame¡¦s fierce licks under the skin.
into my life, larger than life, you strolled in.
I hid in my ordinary days, in the long grass of routine,
in my camouflage rooms. You sprawled in my gaze,
mi amiga
photo from My Summer of Love
We are friends and I do like to pass the day with you in serious and inconsequential chatter. I wouldn't mind washing up beside you, dusting beside you, reading the back half of the paper while you read the front. We are friends and I would miss you, do miss you and think of you very often.
When I think of losing her, I’d like to drown both of us into the lonely seas, than consider myself a beast with no friend.
- Jeanette Winterson
sinong 'di mapapasayaw sa ulan?
ang aking damdamin
pinaglalaruan ng baliw
at ng ulanJ
hiling
photo from VIRGIN SUICIDES (a film by Sofia Coppola)
sana'y dumating na mga umagang mahinahon at payapa.  na sana'y wala ng bagabag sa damdamin sa pagmulat ng aking mga mata.  na sana'y sumapit na rin ang mga gabing tahimik at maginhawa.  at sa pagkahimbing, mga bangungot sana ay wala na.
sana'y mawala na ang sakit na kumakapit sa puso.  at sana'y mabura na ang nagdagtang pait na dulot nito.  sana'y humupa na ang lungkot na nagbaha sa aking mga mata.  at tumigil na rin ang pagbuhos ng ulan-ulang luha.
::let's re-arrange::
I wish you were a stranger
I can disengage...
title and line from the song:
OVER MY HEAD
The Fray
DETACHMENT I:
Art by CHARLOTTE KROG
www.charlottekrog.com
alingawgaw
ECHOES; art by John Russell
lahat ng ikilos ko at hindi ko gawin
lahat ng gusto kong kalimutan at hindi isipin
lahat ng paniwalaan kong gusto kong burahin
repleksyong tinatapong pabalik sa salamin
lahat ng ayaw ko nang maramdaman
lahat ng maaaring gusto ko nang iwasan
lahat ng mantsa ng aking kahibangan
aninong sumusunod sa akin sa kung saan
lahat sa guni-guning ayaw ko nang dinggin
lahat ng mga salitang walang kabig-sabihin
lahat ng napiping sigaw sa damdamin
walang-humpay na bumabalik sa iyo at sa akin.
durog
nagkalat na ang ilang daan-libong piraso ng sarili ko sa mundo.
walang paglagyan ang mga himay-himay
at gula-gulanit na hibla kahit saang espasyo.
kaya kung may pait ang luha ng ulan
at malamlam ang liwanag ng buwan
kung may lamig ang ihip ng hangin at ang ulap ay makulimlim
'pag tanto mo'y limutin man kita'y
nakabayubay lang sa kung saan-saan
ang hapding dumurog sa puso kong hindi ko na nakayanan.
pangkasalukuyang masokismo
sa ngayon --
dadamahin ko muna nang lubos
ang sakit ng wala ka na
hahayaan ko munang maubos
ang pagpatak nitong luha
kahit naman magtago at hindi magpakita
pinupuno rin ng unos
ang puso ko at ang diwa.
magpapatangay ako sa agos
ng malupit na tadhana
di minsan nang dumausdos
isang baliw, isang tanga
malayo naman akong malagutan ng hininga.
nanamnamin ko muna ng husto
ang lamig ng iyong pamamaalam
ang pagbitak ng puso ko
gusto ko munang masaksihan.
magpapakalunod muna ako
ngayon sa aking kabaliwan
hahayaan muna ang mundo
mapuno ng lugmok at kalungkutan
madalas (isang hiram na tula)
madalas
itinutulog ko na lang ang lungkot
at iniiidlip ang pangungulila
dahil
nais kong mamasyal muna sa panaginip
at makatakas sa mga luha
ngunit
sadyang kay haba ng araw
at nabibitin na lamang ang magdamag
kung
dadayain ko naman ang kamalayan
at lalaboy sa daigdig ng gunam-gunam
malamang
walang pinagkaiba sa realidad--
ikaw pa din ang mamamahay sa aking balintataw
madalas