Entry: hiling Sunday, April 08, 2007



 

photo from VIRGIN SUICIDES (a film by Sofia Coppola)

 

 

 

sana'y dumating na mga umagang mahinahon at payapa.  na sana'y wala ng bagabag sa damdamin sa pagmulat ng aking mga mata.  na sana'y sumapit na rin ang mga gabing tahimik at maginhawa.  at sa pagkahimbing, mga bangungot sana ay wala na.

 

 

sana'y mawala na ang sakit na kumakapit sa puso.  at sana'y mabura na ang nagdagtang pait na dulot nito.  sana'y humupa na ang lungkot na nagbaha sa aking mga mata.  at tumigil na rin ang pagbuhos ng ulan-ulang luha.

 

 

sana'y makahinga na ako ng malalim.  at sana'y hindi na magupo ng kahinaan at panimdim.  sana'y huminto muna kahit saglit ang kabaliwan ko dahil hindi naman maititigil ang pag-ikot ng mundo.  sana'y manumbalik na muli ang mga nakasanayan kong ngiti.  kahit at kesyo pa nandiyan ka o hindi.

 

 

 

 

 

 

   2 comments

toi
April 10, 2007   03:28 PM PDT
 
heyo ls...sana:) salamat sa pagbati:) kampay para sa katahimikan at kapayapaan:)
ls
April 10, 2007   04:51 AM PDT
 
sanay dinggin ang iyong nagsusumamong hiling.

maligayang kaarawan.

sanay mapayapa na nga

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments