|
nagkalat na ang ilang daan-libong piraso ng sarili ko sa mundo. walang paglagyan ang mga himay-himay at gula-gulanit na hibla kahit saang espasyo. kaya kung may pait ang luha ng ulan at malamlam ang liwanag ng buwan kung may lamig ang ihip ng hangin at ang ulap ay makulimlim 'pag tanto mo'y limutin man kita'y nakabayubay lang sa kung saan-saan ang hapding dumurog sa puso kong hindi ko na nakayanan.
|
| toi April 26, 2007 06:54 PM PDT :) salamat ls:) sasamahan kita sige...magdadala ako ng yosi..tapos share tayong sa isang tasa ng kape:) | ||
| ls April 25, 2007 06:42 AM PDT *ipapatong ang kamay sa yong ulo at gugulohin ang yong buhok* sabay *akbay*sabay magsasabing "tara lakad lakad tayo sa gilid ng dalampasigan magpaa tayo!" :) | ||
| toi March 19, 2007 07:01 PM PDT salamat mare:) | ||
| elaine March 19, 2007 05:07 PM PDT ang lungkot ngunit napakaganda mare. ramdam na ramdam ko. *AKAP* | ||
| toi March 18, 2007 02:09 PM PDT salamat, lee;) akap din... | ||
| lee March 18, 2007 08:17 AM PDT *hugs* | ||
| Leave a Comment: |