|
sa ngayon -- dadamahin ko muna nang lubos ang sakit ng wala ka na hahayaan ko munang maubos ang pagpatak nitong luha kahit naman magtago at hindi magpakita pinupuno rin ng unos ang puso ko at ang diwa. magpapatangay ako sa agos ng malupit na tadhana di minsan nang dumausdos isang baliw, isang tanga malayo naman akong malagutan ng hininga. nanamnamin ko muna ng husto ang lamig ng iyong pamamaalam ang pagbitak ng puso ko gusto ko munang masaksihan. magpapakalunod muna ako ngayon sa aking kabaliwan hahayaan muna ang mundo mapuno ng lugmok at kalungkutan kakayanin ko muna ang ganito hanggang wala nang maramdaman baka bukas, paggising ko napagod na ako ng tuluyan.
|
| toi April 26, 2007 06:55 PM PDT hanggang sa muli, ls:) | ||
| ls April 25, 2007 06:53 AM PDT ramdam ramdam ko ang taglay mong pambihira halika kapit ka sa kamay ko habang malakas ako at payapa kapit ka ng mahigpit pupunta tayo sa tindihan ni aleng nina at bibili ng rhum at pansit cantoon sagot mo ang sigarilyo saka tayo magkwentuhan ng kung anu-ano lang at sa pagtatapos ng ating inuman saka tayo umiyak at magpaalam sa isat isa magyayakap ng mahigpit na mahigpit at magsasabing "hanggang sa muli.." | ||
| Leave a Comment: |