|
madalas itinutulog ko na lang ang lungkot at iniiidlip ang pangungulila dahil nais kong mamasyal muna sa panaginip at makatakas sa mga luha ngunit sadyang kay haba ng araw at nabibitin na lamang ang magdamag kung dadayain ko naman ang kamalayan at lalaboy sa daigdig ng gunam-gunam malamang walang pinagkaiba sa realidad-- ikaw pa din ang mamamahay sa aking balintataw madalas
hindi ko rin lubusan maintindihan. kung bakit nais ko mang umalis at magpakalayo-layo ay natatagpuan ko ang sariling namamasyal sa iyong mga alaala o dili naman ay natatagpuan ka ng aking mga mata kahit saan pa ako tumitig o tumulala. ang obrang ito ay gawa ni mareng Elaine. saksihan ang mundo niya sa xanga.com/ilovehoney07 kuhang-kuha ng tulang ito ang buod ng ilan sa mga giyera ng puso ko. salamat at maraming akap para sa iyo, mareJ ::
|
| toi February 28, 2007 11:49 PM PST mare:) salamat sa iyo at sa tula. astig talaga ang tulang ito. kuhang-kuha lahat ng pakiramdam ko ngayon. astig ka rin. AKAP mare:) | ||
| elaine February 28, 2007 01:21 AM PST mare ganun naman ata talaga. kahit ayaw natin eh napapasubsob tayo sa pag-iisip ng mga alaalang pilit nating tinatakasan. pero alam ko makakaalis ka din dyan sa estadong yan mare. konting tatag pa. *AKAP* din para sa'yo. dito lang ako. | ||
| Leave a Comment: |