luneta



mamasyal ka sa aking mundo.
kung gusto mong magpakalayo.
hawakan ang mga kamay ko
sa kisapmata¡¦y maglalaho.







ang bawat salitang di ko masabi'y dinaraan ko na lang sa buntunghininga
ang bawat pag-guho ng mundo'y dumadaloy na lang sa pagtulala
ang kabaliwang angkin ay nalulunod na lamang sa lalim ng aking mga mata
pinagta-tagpi-tagpi ang sarili sa kapangyarihan ng mga tula.


These Words I Write Keep Me from Total Madness
:: Charles Bukowski ::




Monday, February 26, 2007
nangingilid na luha

 

 

kung mag-isa ako ay huwag nang isipin

sa dilim ay dapat pa akong hanapin

habang may luha ay huwag pang ibigin

sa pangarap ko ay huwag nang gisingin

 

kaya kong maghintay sa mga tula mo

makinig sa awit mula sa kabilang dako

at sa paglalakad sa lilim ng mga puno

matutuklasan ang laman ng pusong malayo

 

 

:: mga salita ni Maningning Miclat ::

:: art from www.artbyanjum.com ::

 

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-08:11 pm ni toi raquiza
kamusta ang pag-gala?  




Monday, February 12, 2007
eyes wide shut

 

 

 

I just can't look; it's killing me and taking control.

- words from the song mr. brightside from the killers - 

 

                              

 

 

 

 

 

 



song of the moment:
Mr. Brightside, Pt. 1
By The Killers


malunod sa bigat:
Weight: The Myth of Atlas and Heracles (Myths, The)
By Jeanette Winterson



naisulat noong ika-11:58 pm ni toi raquiza
kamusta ang pag-gala?  




Thursday, January 18, 2007
yay! Pinas:)

 

"i have seen, i have been to places far and deep

in my mind; only to find comfort in your strangeness..."

 

words by Cynthia Alexander 

 

 

 

 

 

ano kaya ang magiging reaksyon mo pagdating ko?  hindi ko rin siguro maipipinta ang mukha ko sa magkahalong tuwa at pananabik at kampanteng mararamdaman ko kapag lumapag na ang eroplano sa mga lupa mo.  matagal-tagal rin tayong hindi nagkita.  at talaga namang sobrang na-miss kita.  palagian kitang hinahanap-hanap at nagpupumilit akong maglakbay sa iyong mga lugar kahit pa sa isip lang at mapupuno sigurado ako ng tuwa kapag nakita na kita.  haay, Pinas.  nakakabaliw pala ang wala ka.

 

mahigit isang taon na rin noong huli kitang nasilayan.  alam ko at maiintindihan ko kung mayroon kang naiwang pagtatampo sa akin.  dahil nasabi ko naman dati pang hinding-hindi kita iiwanan.  batid mong mahal na mahal kita at ikaw ang bukang-bibig ko kaninuman na pinaka-astig sa kahit anumang bayan, lugar o bansa.  alam na alam mo namang dati ko pang ipinagsisigawan sa madlang tao, kahit mapunta man ako sa dulo ng mundo, wala na akong makikitang kagaya mo.

 

nag-iisa ka lang, Pinas at kaya nga mahal kita.  alam kong hindi biro iyong kantang inihahambing ka sa isang mahirap na iwanang dalaga. ikaw ang Pinas na ipinagmamalaki ko kahit saan ako mapunta.  ikaw yung binabalikang-ulit at nakakaloka.  ikaw ang larawan ng magagandang tanawin at masasayang alaala.  ikaw ang kanlungan ng kaluluwa ko at ng aking diwa.  nananabik na akong makita kang muli.  maglakbay sa bawat mong sulok, mawala sumandali.  mawala sa iyong mga madla, matagpuan ang sarili.  kinasasabikan kong maramdaman ang init ng iyong kandili.  magtampisaw sa pag-ibig at ulan ng mga ngiti.  baybayin ang mundo mong mahiwaga at katangi-tangi.

 

nandyan na ako, Pinas.  ilang tulog na lang at parang ayaw ko na yatang humimbing pa.  umaapaw na ang puso ko sa sabik at sa tuwa.  sa wakas ay makikita na ulit kita. J nanamnamin itong ligalig na aking nadarama.

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-07:14 pm ni toi raquiza
(1) ang naligaw at nawala  




Sunday, January 14, 2007
hostaged

 

how to heal a broken heart

art by Madalina Iordache

 

 

 

"It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens your heart and it means someone can get inside you and mess you up.

 

You build up these defenses. You build up this armor, for years, so nothing can hurt you, then one stupid person, no different from any other stupid person, wanders into your stupid life...

 

You give them a piece of you. They don't ask for it. They do something like kiss you, or smile at you, and your life isn't your own anymore.

 

Love takes hostages.

It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in the darkness, so a simple 'maybe we should just be friends' or 'how perceptive' turns into a glass splinter working its way into your heart.

 

It hurts. Not just in the imagination. Not just in the mind. It's a soul-hurt, a body-hurt, a real gets-inside-of-you-and rips-you-apart pain. Nothing should be able to do that. Especially not Love."

 

 

:: words of Neil Gaiman ::

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-07:40 pm ni toi raquiza
kamusta ang pag-gala?  




Monday, January 08, 2007
giyera

 

www.leslieemery.com

 

 

hindi ko alam kung bakit ba

napakahirap ang mahalin ka

o hindi ka mahalin. 

hindi ko naman maatim maintidihan

ang damdamin. 

ano ba itong kailangan pa

o hindi na kailangang gawin.  

hindi ko na rin alam ang hindi na dapat

o dapat pang isipin. 

hindi ko kailanman naintindihan

ang damdamin.

hindi ko alam kung bakit ba

napakahirap ang mahalin ka

o hindi ka mahalin.

 

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-09:37 pm ni toi raquiza
kamusta ang pag-gala?  




Wednesday, January 03, 2007
h-u-r-t

 

art from www.caitlinschwerin.com

 

 

 

WHAT HURTS THE MOST

IS BEING SO CLOSE
AND HAVING SO MUCH TO SAY
AND WATCHING YOU WALK AWAY
AND NEVER KNOWING
WHAT COULD HAVE BEEN
AND NOT SEEING

THAT LOVING YOU

IS WHAT I WAS TRYING TO DO

 

 

 

words from the song by RASCAL FLATTS

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-11:04 pm ni toi raquiza
kamusta ang pag-gala?  




Wednesday, December 27, 2006
pira-pirasong diwa

 

 

 

 

kung segu-segundo ang pagtimbre ng hangin at ipu-ipo sa iyong kalooban, kaya mo pa kaya?  kaya ko pa kaya?  ano pa't ihinagis tayo sa kataas-taasan, para lamang ba tumalilis paibaba?  wasak.

  

putol-putol ang bawat anino.  ang iyong iba't ibang mukha pilit pinagtatagpi.  bawat salita, bawat hininga.  pinauulit-ulit ito tuwing gabi.  ayokong makalimot.  wag kang makakalimot.

 

kulang ang bawat sisidlan sa mundong ito para sa aking pighati. naglalakad sa sakit.  humihimbing sa sakit.

wala na ang buhay.  wala na sa aking kamay.

 

 

 

 

 

 

Reflection at Fragments II

 obrang guhit at sinulat ng kaibigan kong si Lysa Lee Paje

dalawin niyo ang mundo niya sa http://humanforsushi.multiply.com/

 

 

 

kung bakit ba na-ipon ng iyong mga salita ang halos lahat ng aking nadarama.  nakaka-miss ka.  salamat.  astig ka, LeeJ

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-02:57 pm ni toi raquiza
(1) ang naligaw at nawala  




Tuesday, December 26, 2006
@!#%&*!

 

 

 

 

I feel so dispensable.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-11:57 pm ni toi raquiza
(2) ang naligaw at nawala  




Thursday, December 21, 2006
bullet day*

 

 

sana makita mo na siya.

 

para akong tanga pero mas kinasasabikan ko pa yata ang araw na makikita mo siya.  tae diba.  dahil pakiwari ko hindi ko na mahihintay pa yung panahong magkikita kayong muli.  napupuno ako ng pangamba at pag-aatubili pero hindi na rin ako mapakali.  hindi na nga ako makatulog at minsanan napapanaginipan ko na sa gabi.  iyong araw na makikita mo na siya uli, matapos ng nabinbing mga sandali.

 

sana makita mo na siya.

 

para maging okay at steady ka na.  para hindi ka na maguluhan.  para ikaw ay pumayapa.  na sana pag nakita mo na siya, makampante ka na.  maging mahinahon, maging tahimik, alam kong doon ka naman nasasabik.  iyong makasama mo siya kahit na tahimik.  tapos kahit sandali o magdamagan, hindi ka magkakaroon ng kahit anong alinlangan.  maaari na munang huminto o bumagal ang mundo kung gusto mo.  dahil hindi mo mararamdamang kailangan mo pang lumayo.

 

sana magkita na kayo.

 

para maging okay na rin ako.  nag-iipon na ako ng lakas ng loob para dito.  baka atakihin ako sa puso.  hindi naman malayong masaktan ako.  pero wala kang dapat alalahaning kahit ano.  hindi naman tayo.  siya pa rin naman ang mahal mo, hindi ko alam, ewan ko.  marami nga sigurong nagbabago sa bawat segundo.  nasisiraan na nga ako ng ulo.  pero sana magkita na kayo.  pangako, hindi ako manggugulo.  dahil baka hindi ko kayo kayang makita, lalayo na lang ako.

 

 

 

 

 

 

*bullet day – salitang galing kay mareng Elaine; ibig sabihin impunto ng pagkikita; literal na ibig-sabihin ay balang-araw.

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-08:34 pm ni toi raquiza
kamusta ang pag-gala?  




Sunday, December 17, 2006
habang bumubuhos ang ulan

 

 

huwag kang magtataka

kung bakit tulad ng ulan

ay bumubuhos ako ng salita

mayroong kapangyarihan

ang katahimikan mong dala

na pilit kong nilalabanan

sa pamamagitan ng mga tula.

huwag mo sanang masamain

kung 'di mapilit intindihin

ang giyera ng damdamin ko

mas matindi pa sa bagyo.

huwag mo sanang tanungin

hindi ko rin sasagutin

babalikan kita ng ngiti

huwag lang mabasa o mahuli

ang aking pag-aatubili

inililihim ko ng matindi 

habambuhay na sana ang sandali

na nariyan ka sa aking tabi…

 

 

 

 

 

 

 

 

 





maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa?...tuwing umuulan at kapiling ka
Eraserheads - Anthology (2 CD) - Philippine Music CD



words are flowing like endless rain into a papercup...
Across the Universe
By Fiona Apple



naisulat noong ika-03:08 pm ni toi raquiza
kamusta ang pag-gala?  




Previous Page Next Page

luneta
April 8th 1982  (Age 27)
Female
Philippines





maliit na buwan.

ang mundong ito ay kaugnay ng www.toiluna.blogdrive.com.
pakiwari ko'y masyado nang masikip ang kinagisnan kong espasyo. at napakarami na ring mata ang nakabantay rito. mahirap pa lang kumilos nang maraming nag-aabang. mahirap pa lang uminog kapag gusto mong magdahan-dahan.

hihinto muna ako dito.
















*HUGS* TOTAL! yakapin ang toio
maraming AKAP dito




   





<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30




SLIPPIN' AWAY
Cynthia Alexander

::did what you wanted me to::to try and make you mine::tried to make you stay i gave it all away::but there you go into the wild open::slippin' away:::tried to make you feel::what lovin' ought to feel::for you it's not the same::you threw it all away::so there you go into the wild open::slippin' away::you're slippin' away from me::slippin' away::so how was i to know::easy come, easy go::there ain't no stoppin' you::let wild rivers flow::so there you go into the wild open::slippin' away::you're slippin' away from me::




















pakiusap

'wag ka sanang mamihasang
narito lang ako sa tabi mo.
'wag mo sanang isiping
malayong magkandarapa ako
o matunaw sa mga tingin mo.
'wag ka sanang masanay
na okay lang ako-
na okay lang tayo
na okay lang ang lahat ng ito.
'wag mo sanang akalaing
kaya ko pang manatiling
normal
at natural
at hindi apektado.
'wag mo sanang paniwalaang
bilog pa rin ang mundo--
'wag ka sanang makampanteng
'walang nagbabago.


::naisulat mga 2 taon na ang nakakaraan::













:: BURNOUT ::
by Sugarfree


O wag kang tumingin ng ganyan sa kin:: wag mo akong kulitin wag mo akong tanungin:: Dahil katulad mo ako rin ay nagbago:: di na tayo katulad ng dati kay bilis ng sandali:: O kay tagal din kitang minahal ::Kung iisipin mo di naman dati ganito:: teka muna teka lang kailan tayo nailang:: Kung iisipin mo di naman dati ganito:: kay bilis kasi ng buhay pati tayo natangay:: O kay tagal din kitang minahal:: Tinatawag kita sinusuyo kita:: di mo man marinig di mo man madama:: O kay tagal din kitang mamahalin::





::MULI::
::ni Ramon Jacinto::


::sinasabi ko sa 'yo::
::na wala kong daramdamin::
::kung ikaw ay lumayo::
::at hindi na ako mahalin::
::sa paghulog ng luha::
::ako ngayon ang may dusa.::


::kung ang isip mo'y hindi::
::hindi na tayo magmamahalan::
::paalam na hanggang muli::
::pagsikat ng araw dito sa lansangan::
::hanggang sa kamatayan::
::pag-ibig ko'y walang hanggan.::


::kung ako ang s'yang masusunod::
::hihingin ko ang pangako mo::
::na hindi ka iibig muli.::









::punyetang tanong::

Anong sakit ba?
pait o galit
poot o lungkot
o bigat ang dinulot
ng buhay ko
sa buhay mo
sa puso mo
sa buong pagkatao mo--
na kaya mong itapon,
ibaon at ipalamon
sa apoy ng mga alon
sa lamig ng kahapon,
na kaya mong lumimot at limutin
umikot at paikutin
tuyuin ang damdamin--
nang ganun-ganun na lamang
nang sumandalian lang
nang parang walang pakialam
at parang walang pakiramdam
ang buhay ko
ang puso ko
at ang buong pagkatao ko...?

::sinulat ko noong
ika-16 ng Hunyo, 2003::














ANG WALANGHANGGAN
NI REBECCA T. ANONUEVO

Hindi pa natatapos
Ang ikinukuwento ko'y
Tumatalikod ka na.
Nakapagtataka tuloy
Nang minsan
Ay nanatili kang nakaupo,
Nakatitig sa akin
(O akala ko'y sa akin)
'Yun pala'y malalim
Ang buntong panimdim--
Umuukilkil
Ang talinghaga niya
At sa wari mo'y
Nabihag ka


At sa wari ko'y

Nagpahabag ako
Sa sandali
Sakmal ang pusong
Nagbitak.

Ilang ulit
Ang ganitong tagpo
Ng sugat na sinasamyo.
Halos mapugto
Ang hininga ko
Tuwing dadantay
Ang dagta ng dilim
Ang ligwak ng lamig
Ang bugso ng bangis.
Ngunit aking nasubukan:
Hindi ako namatay
Hindi ako namamatay
Hindi ako mamamatay
Ibigin man kita, ikaw lang,
kahit pa magtaksil ka o lumisan
Nang makapitong-daan
Hindi ko ikamamatay

Di man mamatay
Ang pag-ibig ko sa'yo.











:: KABILUGAN NG BUWAN ::
::APO Hiking Society::


kapanahunan na naman
ng paglalambingan
at kasama kitang mamasyal
sa kung saan
kabilugan ng buwan
at ang hangin ay may kalamigan
aakapin kita mahal ko
sa buong magdamag

pagmamahalan lang naman
ang mararanasan
sa sariling mundo
tayo lang ang may alam
KABILUGAN NG BUWAN
AT ANG HANGIN AY MAY KALAMIGAN
aakapin kita mahal ko
sa buong magdamag

halina’t pakinggan
ang awit na dala ng pag-ibig
MASAYA ANG MUNDO
PAG KAPILING KITANG GANITO
huwag kang hihiwalay at ang
puso ko’y maligaya
lapit na, o lapit pa














BE CAREFUL WITH MY HEART
::TRACY CHAPMAN::

you and your sweet smile
you and your tantalizing ways
you and your honey lips
you and all the sweet things that they say
you and your wild wild ways
One day you just up and walked away
you left me hurting
But I can forgive you for that now
you taught me something
Something took half my life to learn
When you give all yourself away
just tell them to be careful of your heart
Be careful of my heart,
be careful of this heart of mine
It just might break and send some splinters flying
be careful of my heart,
be careful
you took my love
thought you took it all
you took my love
and now you're gone
but I'm not breaking down
and I'm not falling apart
I just lost a little faith
when you broke my heart
given a chance
I might try it again
but I wouldn't risk it all this time
I'd save a little love for myself
enough for my heart to mend
A little love for myself
one day I just might love again
One day some sweet smile might turn my head One day I just might give all myself away











SALAMAT

sa pagdalaw, pagsubaybay at pagbisita.

 

TAE ang mga PIRATA:p

RESPETO LANG, PEACE!

 

@copyright.toiraquiza/LUNETA.2007















Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed