 |
|
Wednesday, May 30, 2007
::HINDI KO NAMAN KAYO IIWANAN::
ito na ang huling marka ng paglalakbay ko
dito sa luneta.
pero--hindi ko naman kayo iiwanan.:)
patuloy pa rin ang pag-inog ng aking mundo sa
www.toiluna.blogdrive.com
hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang isang akdang naisulat
ni Kimpot sa http://ilovethetalking.blogspot.com/
hindi ko personal na kilala si Kimpot,
pero matapos kong mabasa ang sinulat niya,
pakiwari ko'y matagal na kaming magkaibigan.
nakakataba ng puso at nagbigay ng ngiti sa aking mukha
ang naisulat niyang ito.

dalawin niyo rin ang mundo niya sa
99redballoonsgoby.blogdrive.com.
maraming salamat, Kimpot! mabuhay ka!
I have a theory that every time you make an important choice,
the part of you left behind continues the other life you could have had.
Some people's emanations are very strong.
Some people create themselves afresh outside of their own body.
There's a chance that I'm not here at all, that all the parts of me,
running along all the choices I did and didn't make,
for a moment brush against each other.
Jeanette Winterson
naisulat noong ika-01:41 am ni toi raquiza
Monday, April 23, 2007

Uninvited, the thought of you stayed too late in my head. so I went to bed, dreaming you hard, hard, woke with your name, like tears, soft, salt, on my lips, the sound of its bright syllables like a charm, like a spell.
Falling in love is glamorous hell: the crouched, parched heart like a tiger, ready to kill; a flame¡¦s fierce licks under the skin. into my life, larger than life, you strolled in.
I hid in my ordinary days, in the long grass of routine, in my camouflage rooms. You sprawled in my gaze, staring back from anyone¡¦s face, from the shape of a cloud, from the pining, earth-struck moon which gapes at me
as I open the bedroom door. The curtains stir. There you are on the bed, like gift, like a touchable dream.
YOU: a poem by CAROL ANN DUFFY
naisulat noong ika-10:24 pm ni toi raquiza
Saturday, April 21, 2007

photo from My Summer of Love
We are friends and I do like to pass the day with you in serious and inconsequential chatter. I wouldn't mind washing up beside you, dusting beside you, reading the back half of the paper while you read the front. We are friends and I would miss you, do miss you and think of you very often.
When I think of losing her, I’d like to drown both of us into the lonely seas, than consider myself a beast with no friend.
- Jeanette Winterson
naisulat noong ika-10:30 pm ni toi raquiza
Tuesday, April 10, 2007
sinong 'di mapapasayaw sa ulan?

ang aking damdamin
pinaglalaruan ng baliw
at ng ulanJ
naisulat noong ika-09:26 pm ni toi raquiza
Sunday, April 08, 2007

photo from VIRGIN SUICIDES (a film by Sofia Coppola)
sana'y dumating na mga umagang mahinahon at payapa. na sana'y wala ng bagabag sa damdamin sa pagmulat ng aking mga mata. na sana'y sumapit na rin ang mga gabing tahimik at maginhawa. at sa pagkahimbing, mga bangungot sana ay wala na.
sana'y mawala na ang sakit na kumakapit sa puso. at sana'y mabura na ang nagdagtang pait na dulot nito. sana'y humupa na ang lungkot na nagbaha sa aking mga mata. at tumigil na rin ang pagbuhos ng ulan-ulang luha.
sana'y makahinga na ako ng malalim. at sana'y hindi na magupo ng kahinaan at panimdim. sana'y huminto muna kahit saglit ang kabaliwan ko dahil hindi naman maititigil ang pag-ikot ng mundo. sana'y manumbalik na muli ang mga nakasanayan kong ngiti. kahit at kesyo pa nandiyan ka o hindi.
naisulat noong ika-01:20 am ni toi raquiza
Thursday, April 05, 2007
naisulat noong ika-10:19 pm ni toi raquiza
Wednesday, March 21, 2007

ECHOES; art by John Russell
lahat ng ikilos ko at hindi ko gawin
lahat ng gusto kong kalimutan at hindi isipin
lahat ng paniwalaan kong gusto kong burahin
repleksyong tinatapong pabalik sa salamin
lahat ng ayaw ko nang maramdaman
lahat ng maaaring gusto ko nang iwasan
lahat ng mantsa ng aking kahibangan
aninong sumusunod sa akin sa kung saan
lahat sa guni-guning ayaw ko nang dinggin
lahat ng mga salitang walang kabig-sabihin
lahat ng napiping sigaw sa damdamin
walang-humpay na bumabalik sa iyo at sa akin.
naisulat noong ika-03:53 am ni toi raquiza
Saturday, March 17, 2007

nagkalat na ang ilang daan-libong piraso ng sarili ko sa mundo.
walang paglagyan ang mga himay-himay
at gula-gulanit na hibla kahit saang espasyo.
kaya kung may pait ang luha ng ulan
at malamlam ang liwanag ng buwan
kung may lamig ang ihip ng hangin at ang ulap ay makulimlim
'pag tanto mo'y limutin man kita'y
nakabayubay lang sa kung saan-saan
ang hapding dumurog sa puso kong hindi ko na nakayanan.
naisulat noong ika-04:33 pm ni toi raquiza
Thursday, March 08, 2007
pangkasalukuyang masokismo

sa ngayon --
dadamahin ko muna nang lubos
ang sakit ng wala ka na
hahayaan ko munang maubos
ang pagpatak nitong luha
kahit naman magtago at hindi magpakita
pinupuno rin ng unos
ang puso ko at ang diwa.
magpapatangay ako sa agos
ng malupit na tadhana
di minsan nang dumausdos
isang baliw, isang tanga
malayo naman akong malagutan ng hininga.
nanamnamin ko muna ng husto
ang lamig ng iyong pamamaalam
ang pagbitak ng puso ko
gusto ko munang masaksihan.
magpapakalunod muna ako
ngayon sa aking kabaliwan
hahayaan muna ang mundo
mapuno ng lugmok at kalungkutan
kakayanin ko muna ang ganito
hanggang wala nang maramdaman
baka bukas, paggising ko
napagod na ako ng tuluyan.
naisulat noong ika-07:21 pm ni toi raquiza
Tuesday, February 27, 2007
madalas (isang hiram na tula)

madalas
itinutulog ko na lang ang lungkot
at iniiidlip ang pangungulila
dahil
nais kong mamasyal muna sa panaginip
at makatakas sa mga luha
ngunit
sadyang kay haba ng araw
at nabibitin na lamang ang magdamag
kung
dadayain ko naman ang kamalayan
at lalaboy sa daigdig ng gunam-gunam
malamang
walang pinagkaiba sa realidad--
ikaw pa din ang mamamahay sa aking balintataw
madalas
hindi ko rin lubusan maintindihan. kung bakit nais ko mang umalis at magpakalayo-layo ay natatagpuan ko ang sariling namamasyal sa iyong mga alaala o dili naman ay natatagpuan ka ng aking mga mata kahit saan pa ako tumitig o tumulala.
ang obrang ito ay gawa ni mareng Elaine.
saksihan ang mundo niya sa xanga.com/ilovehoney07
kuhang-kuha ng tulang ito ang buod ng ilan sa mga giyera ng puso ko.
salamat at maraming akap para sa iyo, mareJ ::
naisulat noong ika-08:53 pm ni toi raquiza
|
|
|
 |
 |
 |
 |
 |
|  |
 |
SLIPPIN' AWAY
Cynthia Alexander
::did what you wanted me to::to try and make you mine::tried to make you stay
i gave it all away::but there you go into the wild open::slippin' away:::tried to make you feel::what lovin' ought to feel::for you it's not the same::you threw it all away::so there you go into the wild open::slippin' away::you're slippin' away from me::slippin' away::so how was i to know::easy come, easy go::there ain't no stoppin' you::let wild rivers flow::so there you go into the wild open::slippin' away::you're slippin' away from me::
pakiusap
'wag ka sanang mamihasang
narito lang ako sa tabi mo.
'wag mo sanang isiping
malayong magkandarapa ako
o matunaw sa mga tingin mo.
'wag ka sanang masanay
na okay lang ako-
na okay lang tayo
na okay lang ang lahat ng ito.
'wag mo sanang akalaing
kaya ko pang manatiling
normal
at natural
at hindi apektado.
'wag mo sanang paniwalaang
bilog pa rin ang mundo--
'wag ka sanang makampanteng
'walang nagbabago.
::naisulat mga 2 taon na ang nakakaraan::
:: BURNOUT ::
by Sugarfree
O wag kang tumingin
ng ganyan sa kin::
wag mo akong kulitin
wag mo akong tanungin::
Dahil katulad mo
ako rin ay nagbago::
di na tayo katulad ng dati
kay bilis ng sandali::
O kay tagal din kitang minahal
::Kung iisipin mo
di naman dati ganito::
teka muna teka lang
kailan tayo nailang::
Kung iisipin mo
di naman dati ganito::
kay bilis kasi ng buhay
pati tayo natangay::
O kay tagal din kitang minahal::
Tinatawag kita
sinusuyo kita::
di mo man marinig
di mo man madama::
O kay tagal din kitang mamahalin::

::MULI::
::ni Ramon Jacinto::
::sinasabi ko sa 'yo:: ::na wala kong daramdamin:: ::kung ikaw ay lumayo:: ::at hindi na ako mahalin:: ::sa paghulog ng luha:: ::ako ngayon ang may dusa.::
::kung ang isip mo'y hindi:: ::hindi na tayo magmamahalan:: ::paalam na hanggang muli:: ::pagsikat ng araw dito sa lansangan:: ::hanggang sa kamatayan:: ::pag-ibig ko'y walang hanggan.::
::kung ako ang s'yang masusunod:: ::hihingin ko ang pangako mo:: ::na hindi ka iibig muli.::
::punyetang tanong::
Anong sakit ba?
pait o galit
poot o lungkot
o bigat ang dinulot
ng buhay ko
sa buhay mo
sa puso mo
sa buong pagkatao mo--
na kaya mong itapon,
ibaon at ipalamon
sa apoy ng mga alon
sa lamig ng kahapon,
na kaya mong lumimot at limutin
umikot at paikutin
tuyuin ang damdamin--
nang ganun-ganun na lamang
nang sumandalian lang
nang parang walang pakialam
at parang walang pakiramdam
ang buhay ko
ang puso ko
at ang buong pagkatao ko...?
::sinulat ko noong
ika-16 ng Hunyo, 2003::
ANG WALANGHANGGAN
NI REBECCA T. ANONUEVO
Hindi pa natatapos
Ang ikinukuwento ko'y
Tumatalikod ka na.
Nakapagtataka tuloy
Nang minsan
Ay nanatili kang nakaupo,
Nakatitig sa akin
(O akala ko'y sa akin)
'Yun pala'y malalim
Ang buntong panimdim--
Umuukilkil
Ang talinghaga niya
At sa wari mo'y
Nabihag ka
At sa wari ko'y
Nagpahabag ako
Sa sandali
Sakmal ang pusong
Nagbitak.
Ilang ulit
Ang ganitong tagpo
Ng sugat na sinasamyo.
Halos mapugto
Ang hininga ko
Tuwing dadantay
Ang dagta ng dilim
Ang ligwak ng lamig
Ang bugso ng bangis.
Ngunit aking nasubukan:
Hindi ako namatay
Hindi ako namamatay
Hindi ako mamamatay
Ibigin man kita, ikaw lang,
kahit pa magtaksil ka o lumisan
Nang makapitong-daan
Hindi ko ikamamatay
Di man mamatay
Ang pag-ibig ko sa'yo.
:: KABILUGAN NG BUWAN ::
::APO Hiking Society::
kapanahunan na naman
ng paglalambingan
at kasama kitang mamasyal
sa kung saan
kabilugan ng buwan
at ang hangin ay may kalamigan
aakapin kita mahal ko
sa buong magdamag
pagmamahalan lang naman
ang mararanasan
sa sariling mundo
tayo lang ang may alam
KABILUGAN NG BUWAN
AT ANG HANGIN AY MAY KALAMIGAN
aakapin kita mahal ko
sa buong magdamag
halina’t pakinggan
ang awit na dala ng pag-ibig
MASAYA ANG MUNDO
PAG KAPILING KITANG GANITO
huwag kang hihiwalay at ang
puso ko’y maligaya
lapit na, o lapit pa
BE CAREFUL WITH MY HEART
::TRACY CHAPMAN::
you and your sweet smile
you and your tantalizing ways
you and your honey lips
you and all the sweet things that they say
you and your wild wild ways
One day you just up and walked away
you left me hurting
But I can forgive you for that now
you taught me something
Something took half my life to learn
When you give all yourself away
just tell them to be careful of your heart
Be careful of my heart,
be careful of this heart of mine
It just might break and send some splinters flying
be careful of my heart,
be careful
you took my love
thought you took it all
you took my love
and now you're gone
but I'm not breaking down
and I'm not falling apart
I just lost a little faith
when you broke my heart
given a chance
I might try it again
but I wouldn't risk it all this time
I'd save a little love for myself
enough for my heart to mend
A little love for myself
one day I just might love again
One day some sweet smile might turn my head
One day I just might give all myself away
SALAMAT
sa pagdalaw, pagsubaybay at pagbisita.
TAE ang mga PIRATA:p
RESPETO LANG, PEACE!
@copyright.toiraquiza/LUNETA.2007
|
 |
 |
|  |
 |
 |
|
|
 |